MALAMANG ay sunod-sunod na ninyong nababalitaan na panay ang military exercises ng inyong Philippine Navy kasama ang mga dayuhang kaibigan natin.
Nariyan ang mga Amerikano, Australiano, mga Hapon at maging ang mga kaalyado nating mga Navy mula sa ASEAN.
Napakalaking bahagi ng mga exercise na ito ang interoperability o ang kakayanang makapag-operate na magkasabay.
Sa interoperability ay binibigyang halaga ang abilidad na makapag-usap sa operasyon at magkaroon ng magkatugma na tactics, techniques at procedures.
Ibig sabihin nito ay magkakaroon ng dagliang aksyon ang bawat kabilang sa isang operasyon kahit na ang mga ito ay mula sa magkakaibang bansa man.
Dulot nito ay mas magiging epektibo at mas maayos at daglian ang pagresponde ng mga kabilang na bansa anoman ang operasyong isusulong nila.
Dinaos kamakailan lang ang pagsasanay sa pagitan ng inyong Navy at Air Force sa isang exercise na pinamagatang ?DAGIT 2012.? Isa itong taunang execise sa pagitan ng Navy at Air Force na naglalayon ng interoperability sa maraming klase ng operasyon. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng paghahasa ng kahusayan ang mga kabilang at nagkakaroon din sila ng pagkakataon na makilala at maging pamilyar sa mga taktika, teknik at proseso ng bawat kabilang para maging mas bihasa sila sa mga kilos at pamamaraan ng magkabilang panig sa panahon ng tunay na operasyon.
Isang malugod na pagbati para sa Commander ng Naval Forces Western Mindanao na si Rear Admiral Armando L. Guzman at siyang Officer Conducting the Exercise ng Navy para sa DAGIT 2012. Kasama rin niya ang NFWM Deputy Commander for Fleet Operations na si Navy Captain Rafael G. Mariano bilang Co-Exercise Director. Sila ang nangasiwa ng partisipasyon ng Navy sa pagsasanay.
oOo
Sadyang hindi matatawaran ang kahalagahan ng interoperability lalo?t higit pa sa umiigting na banta sa karagatan na dulot ng global warming at environmental degradation. Sa panahon ngayon ay iba na ang mukha ng banta sa bawat bansa at napakahalaga na magkaisa ang mga ito upang malunasan o mabawasan ang pinsala na dulot ng mga sakuna.
At s?yempre, sa tulong at suporta ng bawat mamamayang Filipino tungo sa pangangalaga ng ating karagatan ay kakayanin ito ng inyong Hukbong Dagat.
Kaya natin yan Pinoy!
Source: http://www.remate.ph/2012/11/military-exercises-pinoy-sa-pinoy/
staff sgt. robert bales jason russell norfolk state st patrick s day parade duke invisible children garbage pail kids
No comments:
Post a Comment